-- Advertisements --

NAGA CITY- Aabot sa halos P2 milyong ng iligal na droga ang nakumpiska sa isang public school teacher sa Brgy. Sto. Domingo, Nabua, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Tirzo Rolando Duran, 50-anyos.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLtC. Ronnie Fabia, hepe ng Nabua-PNP, sinabi nitong matagal na nilang minamanmanan ang guro dahil sa naturang iligal na gawain.

Sa gitna ng buy-bust operation, nakumpiska kay Duran ang walong sachet ng pinaniniwalaang shabu na tinatayang nasa P1.7M ang halaga.

Sa ngayon, nananatili na sa kustodiya ng mga otoridad ang suspek habang hinahanda na ang kasong isasampa laban dito.

Nabatid na taong 2013, una nang nakulong sa parehong kaso ang suspek habang 2017 ng makalaya ito matapos madismissed ang naturang kaso.