Nagdeklara na rin ang Estados Unidos ng public health emergency bilang isa sa kanilang paghahanda sa sakit na coronavirus.
Ito ay sa kabila ng maliit na tsansang makapapasok umano sa bansa ang naturang sakit.
Kaagad ding haharangin sa mga paliparan ang mga turistang bumisita sa China at susubukin na pumasok sa US .
Isasailalim naman sa 14-days quarantine ang mga American nationals na nagtungo sa Hubei, China nitong mga nagdaang linggo, habang ang ibang US citizens naman na nagtungo sa ibang parte ng China ay kakailanganing dumaan sa special health screening sa oras na makabalik ang mga ito sa bansa.
Ang naturang emergency measures ay inilatag ni U.S. Health and Human Services Secretary Alex Azar ilang oras lamang bago ianunsyo ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) at lokal na otoridad ang ika-pitong kumpirmadong kaso ng NCov sa North Carolina.