-- Advertisements --

Tiniyak ng Philippine Sports Commission (PSC) na sila ay tatalima sa World Anti-Doping Agency (WADA) Code.

Kasunod ito sa pagbabanta ng WADA na maaring tuluyang pagbawalan ang Pilipinas na makalahok sa anumang international at regional events gaya ng Olympics , Asian Games at Southeast Asian Games kapag binalewala ng PSC ang WADA.

Ayon sa PSC na sila ay tatalima sa nasabing panuntunan ng WADA para magkaroon ng pantay na magandang integridad ng nasaibng sports.

Gumawa na rin ng hakbang ang Philippine National Anti-Doping Organization (PHI-NADO) para tumalima sa WADA Code.