-- Advertisements --

Mayroong malaking hamon ngayon si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick Gregorio sa mga atleta ng bansa sasabak sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.

Sinabi nito na kapag nalagpasan ng bansa ang hinakot na medalya noong 2022 Hangzhou Asian Games ay siya mismo ang kakausap sa PSC Commissioners na dagdag na incentives sa buong delegasyon.

Hindi naman na nito binanggit pa kung anong dagdag na benepisyo ito.

Noong nakaraang 2022 Asian Games kasi ay nakauwi ng apat na gintong medalya, habang ang mga para athletes ay mayroong 10 gintong medalya.

Paglilinaw nito na ang planong dagdag rewards ay bukod pa sa isinaad sa batas na mayroong P2-milyon na cash na makakatanggap ang sinumang atleta ng bansa na makakakuha ng gintong medalya sa mga international events habang P1-M naman sa silver at P400,000 sa bronze medals.

Kasabay ng isinagawang send-off sa mga atleta ay inanunsiyo ni Gregorio ang dagdag na P6,000 na allowance sa mga delegasyon.

Magpapadala ang Pilipinas ng 464 na atleta sa 38 sports ito na ang pangalawang pinakamaraming delegasyon ng bansa mula 1994 Hiroshima Asian Games.

Magsisimula ang kampanya ng Pilipinas sa 5×5 basketball kung saan makakaharap nila ng Bahrain.

Pormal na magsisimula ang 20th Asian Games sa darating na Setyembre 19 na ito ay magtatapos hanggang Oktubre 4.