-- Advertisements --

Naglaan ang Philippine Sports Commission (PSC) ng pondo para sa miyembro ng Philippine national women’s football team.

Sa P1.25 milyon na incentives na inaprubahan ng PSC ay mayroong tig-P50,000 ang 23-player team kasama na ang dalawang reserves.

Ang nasabing pondo ay bilang pagkilala ng PSC sa pagpasok ng Philippine football team sa semifinal ng 2022 AFC Women’s Asian Cup.

Magugunitang tinalo ng national women’s squad ang Chinese Taipei sa quarterfinals ng AFC Women’s Asian Cup.