butch ramirez
Philippine Sports Commission chairman William Ramirez/ Photo courtesy of PSC

Humihingi nang karagdagang pasensiya ang Philippine Sports Commission (PSC) sa mga atleta na sumabak sa Southeast Asian Games na hindi pa nabibigyan ng P25,000 na bonus ganon din sa mga empleyado nila.

Sinabi ni PSC chairman William “Butch” Ramirez, maibibigay ang mga nasabing bonus sa lahat ng mga atleta maging ang hindi nakakuha ng medalya sa SEA Games kapag naayos na ang kanilang budget.

Kinailangan kasi na ilabas nila ang P400 milyon na natitira sa kanilang pondo para matulungan ang Philippine SEAG Organizing Committee sa pagbayad ng mga broadcasting expenses noong Disyembre.

Dahil din daw sa kakulangan ng pondo ay napilitan silang iurong ang PARA Games sa buwan ng Marso mula sa orihinal na iskedyul ngayong Enero.

Paglilinaw naman ni Ramirez, hindi apektado rito ang mga nakakuha ng mga medalya dahli natanggap na nila ang mga insentibo mula sa gobyerno ganon din sa Manny V. Pangilinan Sports Foundation, kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa Philippine Olympic Committee President Abraham Tolentino.