-- Advertisements --

Nilinaw ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richard Bachmann na wala itong kinalaman sa demand letter na ipinadala ng Commission on Audit (COA) sa Philippine Olympic Committee (POC).

Sinabi nito na ang nasabing sulat ay trabaho aniya ng komisyon sa mga isansagawa nilang mga findings.

Hindi rin aniya nito kontrol ang tiyempo kung kailan ito ilalabas ng COA.

Hindi aniya ligtas ang POC sa mga confirmation letters na normal na ipinapadala ng COA.

Magugunitang naglabas ng hinaing si POC president Abraham Tolentino dahil sa pinasagot siy ng PSC ukol sa findings ng COA sa mga unliquidated balances.

Ang nasabing memorandum aniya ng PSC ay inilabas kasabay pa ng pagsisimula ng 19th Asian Games sa Hangzhou, China.