-- Advertisements --

Nakipag-partner ang Philippine Statistics Authority sa Department of Social Welfare and Development para sa paghahatid ng mga serbisyo ng Philippine Identification System (PhilSys) para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Magbibigay daan ang pagtutulungan ng 2 ahensiya para mas maging accessible at convenient para sa 4Ps beneficiaries ang mga serbisyo gaya ng PhilSys registration at issuance ng ePhilID.

Sa pamamagitan ng pagpapatala sa PhilSys, mabibigyan ang mga benepisyaryo ng 4Ps ng unique credentials gaya ng PhilSys Number (PSN), PhilID at ePhilID.

Ang nasabing mga credentials ay magpapahintulot sa mga Pilipino lalo na ang mga vulnerable groups na mag-apply bilang benepisyaryo ng social protection program.