BOMBO DAGUPAN – Inilarawan bilang pagsasayang sa pera ng bayan ang isinasagawang proyektong seawall sa Lingayen Gulf.
Ayon kay Binmaley Mayor Pete Merrera III, bilang dating district Engr. ng Quezon City, may nakikita itong kamalian sa isinasagawang proyekto ng Department of Public Works and Highways.
Aniya, hindi ito papasa sa kaniya dahil parang walang nangyaring pagplaplano sa naturang proyekto.
Tanong pa ng alkalde sa naturang ahensya ay kung pinag-aralan ba nila ang naturang proyekto?
Dagdag pa ng alkalde, useless ang design at hindi ito papasa sa kaniya dahil hindi nito makita kung saan dadaloy ang tubig na mula sa kanal na siyang magtutungo sa ilog.
Panawagan nito na i-konsedera naman sana ang kapakanan ng mga mamamyan lalo na ang mga lubhang maapektuhan sa nasabing proyekto.
Mensahe ng alkalde, ang ipinapatupad na proyekto ay hindi nakakaprotekta sa mga mga residente at ari-arian sa nasabing lugar.
Samantala, tinututulan ng mga mangingisda ang konstraksyon ng seawall sa Lingayen Gulf, dahil sa pangamba nila na mawalan ng hanap-buhay.
Ayon kay Remy Gonzales, ang namumuno sa mga mangingisda sa bayan ng Lingayen, sa 30 taon na nitong naninirahan sa lugar ay alam na nito kung ano ang makatutulong sa kanila partikular na sa kaniyang hanap-buhay.
Aniya, mahihirapan ang kaniyang kapwa magsasaka na dumaong kung itutuloy ang naturang proyekto.