-- Advertisements --
6 QUIPOT

Nakatakdang ilunsad ng National Irrigation Administration (NIA) ang isang pryektong inaasahang makakapagpatatag pa lalo sa supply ng pagkain sa bansa.

Ito ay ang Climate-Smart Rice Project na nakatakdang ilunsad sa Upper Pampanga River Integrated Irrigation Systems (UPRIIS) sa Nueva Ecija.

Sa ilalim ng bagong proyekto, isusulong ang paggamit sa Alternate Wetting and Drying (AWD) Technology sa mga irrigated areas sa mga lugar sa Ecija at Pampanga, dalawa sa mga pangunahing rice-producing province sa Pilipinas.

Paliwanag ni NIA Acting Administrator Eddie Guillen, makakamit ito sa pamamagitan ng pagtaas ng water productivity sa mga national irrigation system (NISs) habang binabawasan ang carbon emission sa irrigated rice cultivation.

Ang pondo na gagamitin sa ilalim nito ay mula sa isang partner agency ng NIA, habang ang mga teknolohiya na gagamitin, kasama na ang iba pang mga agri inputs, ay mangagaling sa mga experto ng NIA at mga partner farmers.

Ayon kay Administrator Guillen, nais nitong mabuo ang vision na gawing climate-smart at climate change-resilient ang Pilipinas, kasabay ng pagnanais nitong mapataas pa lalo ang bulto ng bigas na inaani sa bansa.