CENTRAL MINDANAO- Sinimulan na ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa Midsayap, Cotabato ang pamamahagi ng ayudang bigas mula sa Provincial Government ng Cotabato.

Ayon sa ahensiya, aabot sa 3,100 na pamilya ang nauna nang nakatanggap ng naturang ayuda simula kamakalawa.

Aabot sa 8,000 sako ng bigas ang naibahagi ng pamahalaang panlalawigan para sa aabot sa 40,000 na pamilya sa bayan ng Midsayap.

Labis naman ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan ng Midsayap sa patuloy na pagtulong ng Provincial Government para sa mga Midsayapenyong labis na apektado dulot ng COVID-19.

Samantala, magpapatuloy naman ang MSWDO-Midsayap sa pamamahagi ng naturang ayuda sa mga susunod pang mga araw.