LEGAZPI CITY – Naglaan ng karagdagang P12 million na pondo ang provincial government ng Albay matapos na mapalawig ang enhanced community quarantine sa buong Luzon ng hanggang Abril 30.
Pinirmahan ni Gov. Al Francis Bichara ang release papers para sa naturang pondo na siyang gagamitin sa pagbili ng karagdagang 9,600 sako ng bigas mula sa National Food Authority (NFA).
Sinabi ni Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) head Eva Grageda sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na P24 million na ang kabuuang halaga na inilaan ng lalawigan sa laban kontra COVID-19.
Sa ngayon ay hindi pa lubusang naipamahagi ang naunang alokasyon lalo pa at inihintay pa ang pagdating ng nauna nang request ng bigas mula NFA.
Nasa 60,000 na ang kabuuang food packs na naipamahagi ng lalawiagan subalit aminadong hindi kayang mabahagian ang lahat ng nasa 720 barangays dahil nasa augmentation support lamang umano sila at pinili ang mga economically-displaced na pamilya.
LGU pa rin ang mangunguna sa relief operation at nagpapaseguro lang kung kulangin.