-- Advertisements --

Sinimulan ng martsahan ng ilang progresibong grupo at aktibista mga kalsada sa Maynila kasabay ng paggunita bukas ng ika-47 taon mula ng ideklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang martial law sa bansa.

Nitong araw nang maglakad mula España Boulevard hanggang Mendiola sa Maynila ang iba’t-ibang grupo bitbit ang mga plaka at bandera.

Kung maalala, September 21, 1972 nang isailalim ni Marcos sa batas militar ang buong Pilipinas dahil umano sa banta ng mga komunista at progresibong alyansa ng mga militante.