-- Advertisements --
image 707

Nangako ang Bureau of Immigration na pagbubutihin nito ang secondary inspections sa mga international-bound na pasahero kasunod ng mga reklamo sa mahigpit na pagpapatupad ng mga pormalidad ng pag-alis ng bansa.

Ang mga pamamaraan sa immigration ay sumasailalim sa mga pagbabago kasunod ng mga reklamo mula sa mga pasahero.

Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, naniniwala sila na mahalagang maihatid ng maayos sa mga pasahero kung ano ang kanilang kailangang pinagdadaanan at ang mga pamamaraan at kung ano ang maaaring asahan sa mga inspection at interviews.

Iginiit ni Sandoval na hindi lahat ng pasahero ay sumasailalim sa karagdagang panayam sa paliparan.

Ang isang pasahero na nagnanais na maglakbay sa ibang bansa bilang isang turista o may pansamantalang visa ay sasailalim sa pangunahing inspeksyon kung saan ang mga opisyal ng immigration ay may 45 segundo upang tanungin sila ng mga pangunahing katanungan, tulad ng kanilang destinasyon, pabalik na flight at mga bookings.

Kapag itinuring na kinakailangan, ang isang pasahero ay ire-refer sa Travel Control and Enforcement Unit para sa pangalawang inspeksyon para sa layunin ng pagprotekta sa mga vulnerable victims ng human trafficking at illegal recruitment.

Kakailanganin ng pasahero na gawin ang Bureau of Immigration Border Control Questionnaire.

Nauna nang sinabi ni Sandoval na hindi pinapayagan ang mga immigration personnel na mag-inspeksyon sa social media at online bank accounts ng mga biyahero.