Malugod na tinanggap ni AFP (Armed Forces of the Philippines) chief of staff Gen. Andres Centino ang pagkaka-apruba ng Malacanang ng mga bagong designasyon at promosyon ng mga matataas na opisyal ng AFP.
Ang mga bagong promote na opisyal ay pinangunahan ni RAdm Antonio Palces PN, na itinalagang Vice Commander ng Philippine Navy kapalit ni MGen. Nestor Herico PN(M) na una nang umangat bilang Philippine Marine Corps commandant.
Si M/Gen Nestor Florente DC Rayos, PAF ay itinalaga namang bagong commander ng Air Education, Training, and Doctrine Command.
Papalit naman sa babakantehing puwesto ni Rayos bilang Commander of Air Combat Command si M/Gen. Edward Libago, PAF.
Kabilang din sa mga umangat ng puwesto sina B/Gen Zosimo Oliveros, bilang Assistant Division Commander ng 8th Infantry Division; B/Gen. Ferdinand Razalan bilang bagong Commander ng General Headquarters and Headquarters Service Command; B/Gen. Eduardo Gubat bilang Assistant Division Commander ng 6th Infantry Division; Col. Doroteo Jose Jalandoni PN(M) bilang Assistant Deputy Chief of Staff for Intelligence, AJ2; at Captain Alan Javier PN bilang commander ng Naval Forces West.
Habang na-promote naman sina: B/Gen Ignatius N Patrimonio PA, commander ng Joint Task Force Sulu, sa ranggong major general; at Captain Francisco G Tagamolila Jr PN, Commander of Naval Forces Northern Luzon, sa ranggong commodore.
Umangat naman sa ranggong brigadier general sina Col. Consolito P Yecla PA, Commander ng 1003rd Brigade, at Col. Marvin L Licudine PA, chief ng AFP Peace and Development Office.