Sa susunod na linggo na maisasagawa ng Comelec, na tumatayong National Board of Canvassers (NBOC) ang pagdedekla sa mga nanalong senador at partylist organizations.
Ayon kay Comm. George Erwin Garcia, nais sana nilang maihabol ngayong weekend ang pagtukoy sa mga nagwagi, ngunit may 24 pang certificate of canvass (CoC) ang hindi pa nakarating.
Nitong Sabado, pumasok na ang data mula sa ilang lalawigan, local absentee at overseas absentee voting.
Pero minabuti ng poll body na hindi muna iproklama ang mga nanalo, dahil posibleng may impact pa sa ranking ng mga kandidato ang 24 COCs na hindi pa naipoproseso.
Para kay Garcia, mas mainam sana kung isahan na lamang ang pagdedeklara ng mga winning senators, upang isahan na lang din ang aabangan ng publiko.
Gayunman, hindi pa raw maisasabay ang lahat ng papasok na partylist groups dahil mabusisi pa ang ginagawang pagkuha ng tamang bilang sa mga ito.