Patuloy na tumataas ang overall progress status ng Metro Rail Transit Line project na ngayon ay nasa 69.86% na. Layunin ng naturang proyekto ang mas mabilis, maginhawa, at ligtas na biyahe para sa publiko.
Nagsagawa ng inspeksyon sina Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista at SMHC Vice President at Chief Finance Officer Raoul Romulo sa ginagawang MRT-7 depot at Station 6 (Batasan Station) nito, kahapon, ika-23 ng Mayo 2024.
Inihayag ni Bautista na, nakita niya ang mabilis na proseso ng construction partikular na sa bahagi nito sa Quezon City na inaasahang magbubukas sa dulo ng 2025 at nasiyahan umano siya rito.
Ayon pa kay Sec. Bautista, napakaimportante ng proyekto na ito dahil makapagseserbisyo ito sa 300,000 mga pasahero sa unang taon ng operasyon. Magiging 35 minuto na lang ang biyahe mula Quezon City hanggang San Jose Del Monte sa Bulacan, mula sa dalawa hanggang tatlong oras