-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Pinapalakas ng Philippine Airforce (PAF) ang kanilang programa para sa mga reservist.

Sa ginanap na Usapang Pangkapayapaan, Usapang Pangkaunlaran ng Tactical Operations Group 2 (TOG2), hinikayat ni Lt.Col. Maribelle Manangbao, commanding officer ng Second Air Force Reserve Center ang mga sibilyan na gustong maging bahagi ng PAF na sumali sa Philippine Airforce reservist.

Kailangan lamang na bonafide Filipino Citizen with good moral character, physically and mentally fit, high school graduate at labing walong taong gulang pataas.

Ayon sa opisyal, ang maging reservist ay dapat committed dahil boluntaryo ang ibibigay nilang serbisyo.

Aniya, hindi lamang para sa community outreach activities ang reservist dahil nasanay din sila sa humanitarian at disaster relief operations, sinasanay din sila sa pagmamarcial sa mga eroplano, pagbibigay ng first aid, air to ground operations gayundin sa iba’t ibang health, emergency and medical services at hinuhubog din ang kanilang character.

Ang basic citizen military training ay mayroong isang buwan na pagsasanay na may mga lectures at practical exercises.