-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Nanawagan ngayon ang mga negosyante sa isla ng Boracay na maglatag na ng plano at programa para sa taong 2022-2023 ang mga bagong halal na opisyal sa lalawigan ng Aklan kung paano mapalakas ang industriya ng turismo.

Ayon kay Elena Brugger, chairman ng advisory council ng Philippine Chamber of Commerce Industry (PCCI) Boracay na “looking forward” sila na makahikayat pa ang gobyerno probinsyal ng dagdag na international visitors upang hindi lamang ang mga five star hotel ang makapagpatuloy ng kanilang negosyo kundi maging ang mga small and meduim enterprises ay muli mabuhay ang kanilang hanapbuhay.

Magagawa lamang aniya ito kapag magkaroon ng international flights sa Caticlan airport maliban sa Kalibo international airport na gateway ng mga dayuhang turista papuntang isla ng Boracay.

Sa ngayon aniya ay pawang domestic tourist ang may malaking bilang ng tourist arrival sa unang quarter ng kasalukuyang taon.