Para matugunan ang malnutrisyon sa bansa, target ng bagong talagang presidential adviser on poverty alleviation na si Larry Gadon na humingi ng suporta mula sa pribadong sektor para suportahan ang programa kontra sa kagutuman ng pamahalaan na tinawag na BBM o Batang Busog Malusog na inisyatibo rin ni PBBM.
Ayon kay Gadon, layunin ng programa na matugunan ang malnutrisyon sa mga estudyante sa public elementary school.
Binanggit nito ang isang pag-aaral na ang kawalan ng nutrisyon o kagutuman ay maiuugnay sa poor performance ng mga estudyante.
Kayat isa aniya sa gagawin kasabay ng pagdiriwang ng Nutrition Month sa Hulyo ay ilulunsad ang Batang Busog Malusog program dahil kapag mayroong nutrisyon ang mga bata makakapag-pokus ang mga ito sa kanilang pag-aaral.
Hihikayatin nito ang mga kompaniya para i-adopt ang mga paaralan sa kanilang mga lugar bilang benepisyaryo ng feeding programs.
Pagtutuunan din nito ng pansin ang pagpapalakas ng micro-industroes para mabigyan ng trabaho ang mahihirap.