-- Advertisements --

Nagsanib-puwersa ang tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Department of Health (DOH), at Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang tulungan ang mga pasyenteng may kanser.

Ito ay alinsunod sa pagnanais ni Pang. Ferdinand Marcos Jr na mabigyan ng maayos na serbisyong medikal ang mga Pilipino.

Nasa P6.230 milyong halaga ng medial assistance ang inilabas ng Speaker’s office sa pamamagitan ng guarantee letter sa mga pasyente ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) sa Quezon City.

Ginawa ni Romualdez ang pahayag ng dumalo ito sa unang town hall meeting kung sa nagsalita ito kaugnay ng panggagamot, pangangalaga, at iba pang isyung kinakaharap ng mga pasyenteng may kanser, kanilang pamilya, at mga health practitioner.

“To the care and medication of a cancer patient is among the most financially taxing things that a family can experience. It is even more difficult if children are involved. Through this medical assistance, we hope to somehow ease the burden on these families and give them hope,” ani Speaker Romualdez.

Ang 19 na cancer patient na lumahok sa town hall meeting ay binigyan ng P50,000 halaga ng Medical Assistance for Indigent Patients (MAIP) ng Department of Health (DoH).

Nabigyan naman ng MAIP guarantee letter na nagkakahalaga ng tig-P30,000 ang 176 pasyente ng PCMC.

Sa kabuuan ay P6,780,000 ang halaga ng guarantee letter na naibigay sa mga pasyente ng PCMC sa naturang event.

Habang ang 30 lumahok sa town hall meeting ay binigyan din ng tig-P10,000 cash assistance mula sa Assistance to individuals in crisis situations (AICS) program ng DSWD.

“I sincerely thank President Marcos, DoH Secretary Dr. Ted Herbosa and DSWD Secretary Rex Gatchalian for their kind-hearted intervention. Their assistance will literally end up saving lives,” pahayag ni Speaker Romualdez.

Siniguro rin ni Speaker Romualdez na bibigyang pansin ng Kamara ng mga programa para sa mga pasyenteng may kanser at titiyakin na malalagyan ng pondo ang mga ito.

“We will make sure, together with the Committee on Appropriations and the whole Congress, that public funds will go to where it is truly needed. We commit to make sure that the voices of all stakeholders are considered. Foremost among our priorities is to let the people feel that our government is a shoulder to rely on. Ang gobyerno ang inyong ‘Kuya’ sa panahon ng pangangailangan,” giit ni Speaker Romualdez.
Nagpasalamat din si Speaker Romualdez sa PCMC at mga empleyado nito na tumulong sa pag-organisa sa town hall meeting.