-- Advertisements --
Suportado ni Vice President-elect Sara Duterte ang mga programa at kampaniya kontra sa illegal na droga.
Binati ni Duterte-Carpio ang programa ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Trece Martires City, Cavite.
Sumentro ang programa sa pagsisira ng nasa P14.29 bilyon na halaga ng droga sa warehouse ng Integrated Waste Management Inc.
Nasabat ang mga ito sa iba’t ibang operasyon ng ahensiya.
Dagdag pa ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte, dapat isulong pa ang mga programa kontra ilegal na droga.
Samantala, bukas naman ang PDEA sa ano mang maitutulong pa ni Pangulong Duterte sa ahensiya kahit pa tapos na ang kaniyang termino.
Matatandaang napabalitang bukas ang Marcos administration na kuning “drug czar” ang outgoing president.