-- Advertisements --

Pumanaw na ang professional wrestler na si Jay Briscoe sa edad 38.

Inanunsyo ni Tony Khan ang CEO ng All Elite Wrestling at may-ari ng Ring of Honor ang pagpanaw ng wrestler na ang tunay na pangalan ay si Jamin Pugh.

Si Pugh ay kabilang sa dalawang nasawi sa car accident sa Delaware.

Sumikat si Pugh kasama ang kapatid nito sa Mark na dinomina nila ang Ring of Honor sa loob ng 20 taon.

Ang magkapatid na nakilala bilang Dem Boys ay 12-time ROH Tag Team Champions.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang ilang mga dating sikat na wrestlers matapos na mabalitaan ang pagpanaw ni Pugh.