-- Advertisements --
Inaasahan ngayon ang pagdami ng isda sa pamilihan, makaraang tanggalin na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang tatlong buwang ‘closed fishing season’ para sa ilang uri ng isda sa Visayan Sea.
Sinabi ni BFAR National Director Eduardo Gongona na nagtapos ang ban noong Pebrero 15, kaya mmaaari nang manghuli uli ang mga lokal na mangingisda.
Sa panahong bawal ang paghuli ng isdang pang-sardinas, mackarels at iba pa, tinatayang malaki rin ang improvement ng produksyon nito.
Nabatid na may mga pinatawan ng parusa ang BFAR dahil sa paglabag sa naturang patakaran, kaya hiling nila ang pakikiisa ng publiko sa mga ganitong polisiya.