-- Advertisements --
LTO

Hinarang ng korte ang procurement ng mga plastic cards driver’s licence sa pamamagitan ng pagpapalabas nito ng preliminary injunction dahilan upang ipagpatuloy muli n Land Transportation Office ang pagrerelease ng pansamantalang paper driver’s licenses sa bansa.

Ayon kay Land Transportation Office chief Asec. Vigor Mendoza ang issuance ng naturang kautusan ng korte ay magpapatigil sa delivery ng mga plastic cards driver’s license.

Kung maaalala, kinuwestiyon ng natalong bidder na AllCard Inc. ang procurement contract award na ibinigay sa Banner Plastic Card Inc na nag sumite ng P219 million bid kasama na ang taxes para sa procurement ng license cards.

Mas mataas kase ito sa kanilan bid na P177-million.

Kung maaalala,na disqualify ang AllCard Inc. dahil sa mga naitala nitong delay sa kanilang mga proyekto sa Bangko Sentral ng Pilipinas at iba pang ahensya ng gobyerno.

Sinabi ni Mendoza kung magkakabisa ang injunction, matutugunan lamang ng LTO ang mga backlogs para sa nagdaang buwan ng Abril ngayong taon.

Ang isang solusyong tinitingnan ng LTO ay ang pagsisimula ng proseso ng pag-bid nang maaga para sa humigit-kumulang 4-5 milyong card na naka-iskedyul para sa procurement sa taong 2024.