
Binigyang diin ng Land Transportation Office na ang kakulangan sa supply ng mga plastic card na ginagamit para sa mga driver’s license ay maaaring napigilan.
Ayon kay LTO chief Jay Art Tugade, pinaalalahanan nila ang mga opisyal ng transportasyon tungkol sa pagkaantala sa pagbili ng mga plastic card.
Idinagdag niya na hinihintay na lamang nila ang Department of Transportation na i-finalize ang pagbili nito ng mga plastic card para hindi na sila makapag-isyu ng paper-based driver’s license.
Aniya, kung gusto umano talagang lumikha ng mga ahensya ng procurement activities, ay dapat hindi na daw nila hinintay na humantong sa ganitong sitwasyon.
Ang mga driver’s license kasi sa bansa ay ipi-print na lamang muna sa papel.
Nauna nang binanggit ng LTO ang pagnipis ng suplay ng mga plastic card sa kanilang mga tanggapan sa buong bansa.
Sinabi ng ahensya na ang kasalukuyang stock ng mga plastic card sa kasalukuyan ay nasa 147,000 na lamang, at inaasahang tatagal hanggang sa katapusan ng buwan.