May ilang problemang kinakaharap pa ngayon ang Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) sa paghahanda nila bilang isa ang bansa sa host ng FIBA Basketball World Cup sa Agosto.
Sinabi ni deputy event driector Erika Dy, na ilan sa mga dito ay ang problema ng trapiko sa paghahatid sa mga manlalaro sa mga playing venue.
Isa rin sa kaunting problema ngayon ay ang pagsasaayos ng mga playing venue.
Nitong Martes at Miyerkules kasi ay nagsagawa ng dry-run ang SBP kung saan sinubukan nila kung ilang oras ang abutin sa paghatid sa mga manlalaro sa hotel na tinutuluyan sa Manila patungo sa Philippine Arena sa Bulacan sa opening ceremonies pagdating ng Agosto 25.
Isa sa mga nakitang solusyon ay ang paggamit sa kanila ng EDSA bus lane para maiwasan ang mga manlalaro na maipit sa matinding trapiko.
Naniniwala ito na matatapos ang mga ginagawang renovations sa mga playing venues ganun ay masolusyunan ang ibang mga kakaharapin na problema.