Idineklara ng Kagawaran ng Pagsasaka ang dalawang probinsya ng Aurora at Quezon na ligtas mula sa Bird Flu.
Sa ilalim ng Memorandum circular no. 38 and 39 series of 2023 na pinirmahan ni Senior Undersecretary Domingo Panganiban, negatibo na mula sa bird flu virus ang mga samples na nakolekta mula sa dalawang probinsya.
Una rito, nangulekta ang mga eksperto ng DA ng mga samples mula sa mga poultry products sa mga nasabing probinsya at lumalabas na walang presensya ng nasabing virus.
Batay sa datos ng pamahalaan, ang Quezon Province ay nakapagtala ng hanggang 70,563 metriko tonelada ng mga manuk nitong nakalipas na taon. Ito ay 3.8% ng kabuuang 1.87 million metriko tonelada ng supply ng manok sa buong Pilipinas.
Nakapagtala rin ang naturang probinsya ng hanggang sa 11, 661 metriko tonelada ng itlog ng manok sa naturang taon.
Ito ay katumbas ng 1.6% mula sa kabuuang 708,499.62 metriko tonelada ng mga produktong itlog na na-produce sa buong Pilipinas.
Maging ang Aurora Province ay nakapag-ambag din ng malaking produksyon ng mga poultry products sa buong bansa, kahanay ang probinsya ng Quirino.
Nauna nang idineklara ang ibang mga probinsya sa buong Pilipinas bilang free o ligtas mula sa presensya ng bird flu, sa mga nakalipas na araw.
Kinabibilangan ito ng mga probinsya ng Capiz, Batangas, Ilocos Sur, Rizal, at South Cotabato.