-- Advertisements --
Napatay sa isang suicide bombing ang pangunahing pro-Taliban cleric sa labas ng isang mosque sa Herat, Afghanistan.
Si Mujib Rahman Ansari ay isa sa 18 nasawi sa nasabing pagsabog.
Kasama niya ang mga miyembro ng security details, sibilyan para magdasal ng sumabog ang bomba.
Base sa imbgestigasyon ng mga otoridad, na patungo sa Gazargah mosque si Ansari para pangunahan ang pagdarasal ng maganap ang pagsabog.
Wala pang grupong umako sa nasabing insidente.










