-- Advertisements --

Pinaalalahanan ngayon ni Police Regional Office-7 PBGen Roderick Augustus Alba ang mga police stations at mga unit sa Central Visayas na suriin ang kanilang diskarte laban sa kriminalidad.

Ito ang inilabas na pahayag ni Alba kasunod ng serye ng mga pagpatay na naitala sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.

Umaasa naman ang opisyal ng pulisya na mabigyan ng tamang atensyon ang mga kasong ito.

Kahapon lang, Disyembre 5, nang pinatay ng riding in tandem suspek ang isang police asset na nakilalang si Tyronne Fabilla, 42 anyos sa Sta. Catalina, Negros Oriental nang tinawagan sana itong magsagawa sila ng operasyon.

Patuloy naman ang isinagawang imbestigasyon ng Sta. Catalina PNP upang matukoy kung ano ang motibo at kung sino ang nasa likod ng pamamaril.

Sa bayan ng Barili Cebu naman, isang kinilalang si Eric Tampos, 38 anyos ang binaril at pinagtataga ng kainuman noong Sabado, Disyembre 3,matapos nagkaroon ng pagtatalo at agad din namang nahuli ang suspek sa follow-up operation.

Nasa kustodiya na ngayon ng mga otoridad ang suspek na si Joselito Languido at inihahanda na ang kasong murder.