-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – ‘If that’s way to clean my name that I am not involve in any illegal activities especially in illegal drugs,why not give support to it.’

Ito ang umano ang paninidigan ni Police Regional Office 10 Director Brigadier General Lawrence Coop ukol sa anunsyo ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr na ipapasumite sila na mga heneral at kasamahang may hawak na ranggo na full pledge colonels ng courtesy resignation upang magbigay daan para malinis ang kanilang pangalan laban sa illegal drugs involvements sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni PRO 10 spokeperson Police Maj. Joann Navarro na hindi problem para kay Coop ang paghain ng resignation sapagkat tiwala umano na kailangan man ay walang dungis ang pangalan nito pagdating sa usaping illegal drugs.

Sinabi ni Navarro na buong PRO 10 ang umano’y all out support sa kautusan dahil hindi naman nangangahulugan na pagpa-sumite sila ng courtesy resignation ay nadawit na ang mga ito sa mga kalakalan ng ilegal na droga.

Magugunitang sa ilalim ng PRO 19,kasama ni Coop na inaasahan rin na maghahain ng kanilang courtesy resignation ay any kanyang deputy regional director for administration na si Brig.Gen Benedicto Pintor at 19 na police colonels na nakatalaga sa mga pangunahing posisyon sa Camp Alagar habang ang lima ay provincial at ibang dalawa ay city police directors dito sa Northern Mindanao region.