Malugod na tinanggap ng pribadong sektor sa Northern Mindanao ang pagsasama ng public-private partnerships sa Regional Development Plan (RDP) 2023-2028 upang itaguyod ang lokal na ekonomiya.
Sa kamakailang paglulunsad ng nasabing RDP, binigyang-diin ni Raymundo Talimio Jr., ang pangulo ng Cagayan de Oro Chamber of Commerce and Industry Foundation, Inc., na ang pagtutulungan ng mga pagsisikap sa pagitan ng publiko at pribadong sektor ay napakahalaga sa pagkamit ng inklusibo at sustainable development.
Binanggit niya na layunin ng kanyang sektor ang pagtutok ng mga plano sa public-private partnerships. Dahil dito, pinagtibay niya ang katapatan ng pribadong sektor na tulungan ang pamahalaan na makamit ang mga layunin at objectives ng NMRDP.
Pinuri rin ng executive ng Oro Chamber ang pagbibigay-diin ng NMRDP sa human capital at infrastructure development kung saa binanggit dito ang formal education, skills training, at imprastraktura bilang mahahalagang bahagi sa paglikha ng isang magandang kapaligiran na umaakit sa investments at nagpapahusay ng produktibidad. Tinitiyak din nito ang isang prepared workforce na may kakayahang matugunan ang mga pangangailangan ng mabilis na umuunlad na ekonomiya.