-- Advertisements --

Umaasa ang karamihan ng mga private schools sa Pilipinas na hindi sila makakalimutang suportahan ng Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) matapos itong lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Joseph Noel Estrada, managing director ng Coordinating Council of Prvate Educational Associations (COCOPEA) na maraming pampribadong paaralan ang lubha ring naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Milyon-milyong estudyante rin ang mas pinili na huwag muna mag-enroll ngayong school year habang ang iba naman ay lumipat ng public school.

Aniya may mga eskwelahan na mas pinipiling magbawas ng empleyado bilang pagbabawas na rin ng kanilang gastusin.

Batay sa datos ng Department of Education (DepEd) na 2.1 milyong estudyante lamang ang nag-enroll sa mga private elementary at high school sa buong bansa.

Ibig sabihin lamang daw ng mababang enrollment rate na ito ay mas maraming pasilidad at mga guro ang magiging available para magbigay ng edukasyon sa mga kabataan.

Hinikayat naman ni Estrada ang ghobyerno na suportahan din ang private education sector tulad ng pagbibigay ng pondo para sa innovative strategies na magiging daan sa tuloy-tuloy na learning process ng mga estudyante.