DAVAO CITY – Hindi lamang ang Southern Philippines Medical Center (SPMC) ang nakaranas ng pagtaas ng kaso ng mga nahawa ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) kung hindi kabilang na ang ilang mga pribadong ospital sa siyudad.
Nabatid na una ng sinabi ng Davao Doctor’s Hospital (DDH) na sa kasalukuyan, marami na ang isinugod sa ospital matapos na tumaas ang bilang ng mga pasyente na nakaranas ng severe at critical COVID-19 cases na nangangailangan ng mas mataas na level sa pag-aalaga.
Nabatid na sa nakaraang mga araw, nasa 100 percent ang ICU bed occupancy rate ng COVID-19 cases.
Ito umano ang dahilan na umapela ang ospital na kahit gusto nilang tanggapin ang lahat ng mga pasyente, kailangan muna nilang bigyan ng prayoridad ang mga pasyente na mas nangangailangan ng atensiyong medikal.