-- Advertisements --

Pinuri nang ilang private companies ang proactive measures na ipinatutupad ng pamahalaang lokal ng Taguig para mapigilan ang pagtaas ng Covid-19 cases sa siyudad.

Ayon kay Mr. Jay Teodoro, chief operating officer ng Fort Bonifacio Development Corporation, dahil sa proactive measures na ipinapatupad ng siyudad ng Taguig, ito ang may pinaka mababang Covid-19 cases sa buong National Capital Region (NCR).

Ibig sabihin nasa tamang direksiyon ang siyudad sa paglaban sa nakamamatay na virus, at isa itong magandang balita para sa mga residente ng siyudad.

” This is very nice and we can see that Taguig is one step ahead so we cotinue to support the city and this fight against Covid-19,” pahayag ni Mr. Teodoro.

Binigyang-diin ni Teodoro na dapat magtulungan ang lahat para labanan ang Covid-19 lalo na sa pagsunod sa mga health protocols at magpa bakuna.

Naniniwala si Teodoro, na ang Covid-19 response ng Taguig ay malaking tulong sa economic activities sa BGC para bumalik na ito sa normal.

Pinuri naman ni Ms.Margaret Bengzon, senior health consultant ng Ayala Healthcare Holdings, Inc., (AC Health) smooth cooperation ng mga mga private sector sa pamahalaang lokal sa pakikipaglaban sa pandemic.

Umaasa si Bengzon na mapalakas pa ang kanilang partnership sa siyudad para mapigilan ang pagtaas ng Covid-19 cases sa Taguig.

Ang binuksang vaccination facility ay operated ng city government sa pakikipag tulungan ng AC Health.

Samantala, nagpasalamat naman si Taguig City Mayor Lino Cayetano sa suporta na ibinibigay ng private sector lalo na at pinalawak pa ng siyudad ang kanilang vaccination hubs ng sa gayon maging accessible ito sa kanilang mga residente.

Sa ngayon ang Taguig ay mayruong tatlong mega vaccination hubs, apat na community vaccine centers at kanila rin inilunsad ang Mobille Vaccination Bus.

As of April 26, nakapag bakuna na ang siyudad ng nasa 29,603 residents mula sa priority groups A1-A3, nasa 9,958 healthcare workers, 9,880 senior citizens at 10,157 persons with comordibities.

Sa mga nais magpa bakuna magpa rehistro muna ang mga ito para makakuha ng QR code sa pamamagitan ng Taguig TRACE kung saan makakatanggap ang mga ito ng vaccination schedule at kung saan vaccination hubs ang puntahan.

Pina-alalahanan din ang mga residente na hindi mag-entertain ang mga healthcare workers ng mga walk-ins.