-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY -Sumuko ng kusa ang apat na miyembro ng Pasar private armed group na kumikilos sa bayan ng Butig,Lanao del Sur.

Ito ay makalipas ang ilang linggo mula sa kautusan ng Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr sa pulisya at militar na buwagin ang lahat ng privated armed groups na minamando ng ilang mga politiko para sa kanilang proteksyon laban sa mga katunggali sa politika sa nasasakupang lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Lanao del Sur Provincial Police Office spokesperson Police Maj. Alvison Mustapha na ang Pasar group ay binuo umano nina Alinader Maricor;Moctar Masorong; Maradi Pansar at Salaoden Pansa na nakabase sa bayan ng Butig.

Pag-amin ni Mustapha na batay sa salaysay ng grupo na ilang beses na rin umano sila kinuha ng mga politiko upang magbigay proteksyon sa kasagsagan ng mga nakaraang halalan sa probinsya.

Bagamat hindi binanggit kung sino na mga politiko ang kumuha sa kanilang serbisyo subalit makailang ulit na sila na ginawang private armed group sa ilang bayan na sakop ng probinsya.

Bitbit pagsuko ng grupo ang caliber 50 Barret sniper rifle with scope;colt caliber 5.56 rifle; 45 caliber pistol at caliber .38 revolver kasama ang kanya-kanyang mga bala nito.

Kung maalala,halos kada-eleksyon ay hindi mawawala sa eksena ang Lanao del Sur na tutukan ng state forces dahil sa mainit na labanan ng politika.