Isinusulong ng National Privacy Commission (NPC) ang data privacy protection bilang mahalagang factor ng digital transformation sa ilalim ng new normal na dulot ng COVID-19 pandemic sa bansa.
Ang pahayag na ito ng NPC ay kasabay ng appointment kay Privacy Commissioner Raymund Liboro bilang chairman ng COVID-19 taskforce of the Global Privacy Assembly (GPA), na isang global forum para sa data protection at mga otoridad sa naturang larangan.
Bahagi rin daw ito ng kakatapos lang na Privacy Awareness Week 2020, na nasa ilalim ng ipinagdiriwang na National Information and Communication Technology (ICT) month ngayong Hunyo.
Nabuo raw ang nasabing taskforce para pagusapan ang mga posibleng tugon sa ano mang privacy issues na sumulpot sa gitna ng pandemic.
May dalawang strategic fronts daw ang taskforce: Una ay ang data protection para sa contact tracing; at privacy pagkatapos ng pandemic, kung saan inaasahang luluwagan ng mga bansa ang kanilang mga panuntunan.
“We thank NPC for their continued support to the Department. Data privacy protection is indeed inseparable from digital transformation,” ani DICT Sec. Gregorio Honasan.
“As we transition to the new normal through ICT, we expect that more people will use ICT and leave their digital footprints online. It is therefore our duty, together with NPC, to ensure that our citizens and systems alike our capable of preventing the attempts of those who wish to exploit Filipinos’ data online,” dagdag pa ng kalihim.
Nitong Linggo nang pumutok ang ulat sa nagkalat na dummy o pekeng accounts ng ilang Facebook users sa bansa.
Ayon kay Commissioner Liboro, iniimbestigahan na nila ng Facebook Philippines ang insidente.