Naaresto ang isang prison guard ng New Bilibid Prison (NBP) matapos mahulihan ng iligal na droga sa kaniyang posisyon.

Batay sa report, bandang alas-9:00 kaninang umaga habang nagsasagawa ng body search ang mga miyembro ng Philippine Natioanl Police-Special Action Force sa may employees gate sa Maximum Security Compound sa NBP nang makumpiskahan ng isang malaking plastic sachet na hinihinalaang iligal na droga si Prison Guard 1 Ernesto Dionglay Jr.

Ang laman ng nasabing malaking plastic sachet ay white crystallin substance na umano’y shabu na tinatayang 100 grams.

Kasalukuyang nakakulong sa Muntinlupa City Police Station ang suspek habang hinahanda ang kasong kahaharapin nito na paglabag sa RA 9165 o illegal possession of illegal drugs.