ILOILO CITY – Inilatag na umano ni Taguig Pateros Rep. Allan Peter Cayetano ang mga priority bills sa nalalapit na pagbukas ng 18th Congress.
Ang nasabing hakbang ay ginawa ni Cayetano kasunod ng pag-indorso sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang House speaker kung saan magkakaroon sila ng term sharing ni Marindoque Rep. Lord Allan Velasco.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo 5th District Rep. Raul Tupas,, sinabi nito na nagkaroon ng pagpupulong ang mga myembro ng Nacionalista Party (NP) na pinangunahan ni Cayetano.
Dito at isa-isang inilatag ni Cayetano ang mga priority bills na kanyang ipapalabas sa kanyang speech sakaling siya ang mapiling lider ng Kamara sa pagbukas ng 18th Congress.
Kampante naman anya ang NP na buo ang kanilang suporta ng iba pang mga mambabatas sa house speakership bid ni Cayetano.