-- Advertisements --
image 479

Mahigit 60 million na physical at digital national ID na ang nai-print, ayos sa mga datos ng Philippine Statistics Authority.

Sinabi ng Philippine Statistics Authority sa isang pahayag, na may kabuuang 60,326,990 ID na ang nai-print, kung saan 33,550,575 ang physical Philippine IDs habang 26,776,415 ang electronic IDs.

Dagdag dito, patuloy nitong itinutulak ang Philippine Postal Corp na pabilisin ang paghahatid ng mga ipinadalang PhilIDs.

Pati ang mga field offices ay hinimok na pabilisin din na ipamahagi ang mga electronic national IDs.

Kaugnay niyan, ang mga nakatanggap ng text message mula sa Philippine Statistics Authority ay maaari ding mag-download ng mga ID na pasword-protected sa kanilang mga mobile device.

Una na rito, binigyang diin ng ahensay na parehong may QR code ang physical at digital ID card para sa pag-verify ng pagkakakilanlan ng isang indibidwal.