-- Advertisements --
Nagpasya sina Duke and Duchess of Cambridge na umalis na sa London.
Ayon sa Kensington Palace na nais nilang mabigyan ng normal na pamumuhay ang kanilang mga anak.
Maninirahan sina Prince Williams, Kate at mga anak nila sa Adelaide Cottage, isang four-bedroom na bahay ibaba ng Windsor Castle, Bershire o may layong 25 milya mula sa London.
Sa nasabing hakbang ay mapapalapit na sila kay Queen Elizabeth II na nasa Windsor Castle at sa pamilya ni Kate.
Mananatiling family principal residence na ngayon ang Kensington Palace.
Nakatakdang mag-aral kasi sina Pricne George, Princess Charlotte at Prince Louis sa Lambrook School isang prestisyosong fee-paying school malapit sa Windsor.