-- Advertisements --

Emosyonal na inalala ni Prince William ang kaniyang namayapang inang si Princess Diana.

Ito ay matapos ang makausap ang mga nagdadalamhati sa pagpanaw ng kaniyang lola na na si Queen Elizabeth II.

Personal niyang kinausap ang mga tao na nagtungo at nag-alay ng bulaklak sa kanilang Sandringham House.

Dito ay hindi niya maiwasang alalahanin ang naging kalungkutan na kaniyang naranasan sa pagpanaw noon ng ina.

Kabilang kasi si William at kapatid nito ng si Harry na naglakad na naghatid sa lola nila ng dalhin ang kabaong sa loob ng Westminster mula sa Buckingham Palace.