Nagbigay ng pahayag ang Punong Ministro ng Israel na si Benjamin Netanyahu matapos magdeklara ng digmaan laban sa Palestine militant group na Hamas.
Sa kanyang talumpati, nangako si Netanyahu na sisirain ang Hamas at pilit na ipaghihiganti ang mga pag-atake na ikinasawi ng mahigit 300 mamamayan ng Israeli at libu-libo ang nasugatan.
Nauna nang iniulat na ang Hamas ay naglunsad ng isang sorpresang pag-atake gamit ang missile strikes at pinasok ang Israel, hawak ang mga mamamayan at mga miyembro ng militar na hostage.
Ayon kay Netanyahu ang mga mamamayan ng Israel ay nag-e-enjoy sa Shabbat at isang holiday nang mangyari ang mga pag-atake.
Nagpadala rin ng babala si Netanyahu sa mga residente ng Gaza, na lumisan na dahil dahil hindi sila tatantanan ng gobyerno. Idinagdag niya na hahanapin ng Israeli forces ang lahat ng mga lugar na pinagtataguan ng mga miyembro ng Hamas.
Samantala, sinabi ng Punong Ministro na nakipag-usap siya kay United States President Joe Biden at nagpasalamat sa suporta matapos ipangako ng US ang lahat ng naaangkop na paraan ng suporta para sa kanilang bansa.