-- Advertisements --
Ibinunyag ng Briitish pop star Jessie J na ito ay naospital dahil sa kumplikasyon matapos na ang kaniyang breast cancer surgery.
Sa social media account ng “Price Tag” singer ay ibinahagi nito na bumalik siya sa hospital ward kung saan ito ay inoperahan sa dibdib noong anim na linggo ang nakaraan.
Dagdag pa nito na nagkaroon siya ng hindi inaasahang impeksyon at namumuong tubig sa kaniyang baga.
Nahirapan din ito sa paghinga subalit minabuti niya na lumabas na ng pagamutan dahil ayaw niyang manatili sa loob ng ospital.
Inamin nito na malaking hamon para sa kaniya ang paggaling dahil sa hindi niya nagagawa ang normal niyang ginagawa sa bawat araw.