-- Advertisements --

Mahigpit ang paalala ng Department of Trade and Industry (DTI) na ipinapatupad ang price freeze sa mga pangunahing bilihin sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa bagyong Egay.

Sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual na dapat sumunod ang mga negosyante dahil may angkop na kaparusahan ang lalabag.

Nakasaad aniya sa Republic Act 7581 o Price na naamendahan ng Republic Act 10623 na ang mga presyo ng mga basic necessities ay otomatikong naka-freeze sa loob ng 60 na araw sa mga lugar na naideklarang state of calamity.

Mayroong nakabantay umano na mga tauhan ng DTI sa mga pamilihan para matiyak na naipapatupad ang price freeze.