-- Advertisements --

Hindi na palalawigin ng Department of Agriculture (DA) ang price cap sa halaga ng karneng baboy at manok, lalo na sa Metro Manila.

Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, hanggang bukas na lang ang pag-iral ng direktibang iyon na ipinatupad sa nakalipas na dalawang buwan.

Matatandaang pinairal ito dahil sa labis na paglobo ng presyo, matapos kumalat ang African swine fever (ASF), kung saan umabot ang halaga nito hanggang ₱330-₱400 per kilo.

Pero kapalit ng itinatakdang presyo, nangako naman ang DA at DTI na maglalabas sila ng suggested retail price sa nasabing mga produkto.

Inalmahan naman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang anila’y bara-barang hakbang ng DA, na nakakaapekto sa hog at poultry raisers.