Inulit ng Department of Trade and Industry (DTI) ang ilang punto sa Executive Order (EO) No. 39 na nagtatakda ng price ceiling para sa bigas.
Sinabi ni DTI Secretary Alfredo Pascual na ang P41 at P45 na price ceiling ay para lamang sa regular at well-milled rice.
Aniya, may mga varieties na hindi umano sakop ng Price Act.
Nilinaw din ni Pascual na ang EO 39 ay hindi nagpapataw ng price freeze ngunit ipinag-uutos nito ang pinakamataas na presyo na maaaring ibenta ng mga retailer ng regular at well-milled na bigas sa mga mamimili.
Sa ilalim ng bagong direktiba, ang DTI at ang mga DA, interior and local government, at justice department ang mangunguna sa pagsubaybay sa mga presyo.
Ayon kay Pscual, ang price ceiling ay naglalayong protektahan ang mga Pilipinong mamimili mula sa hindi patas at mapagsamantalang mga gawi sa pagpepresyo ng bigas.
Kapwa ang DTI at ang mas malawak na pamahalaan ng Pilipinas ay nakatutok sa pag-iingat sa mga pamilyang may mababang kita at mahihinang komunidad, na pinaka-apektado kapag ang mga presyo ng mahahalagang bilihin ay tumaas nang hindi inaasahan.