Ramdam na rin sa mg pribadong ospital ang kakulangan sa healthcare workers ngayong patuloy na nakikibaka ang ating bansa mula sa Covid-19 pandemic.
Bagamat sinabi ni Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) president Dr. Jose Rene de Grano na nakahanda naman ang mga pribadong ospital na i-accommodate ang mga pasyente na dinapuan ng virus ang problema nila ngayon ay ang kakapusan ng mga healthcare workers.
Paliwanag ni de Grano na maraming mga healthcare workers ang umaalis na sa pribadong ospital at lumilipat sa mga pampublikong ospital o kaya naman ay nangingibang bansa.
Kamakailan lamang din ng aminin ng Department of Health (DOH) na umaabot pa sa 106,000 ang kinakailangang nurses sa mga pribado at pampublikong pasilidad at ospital.
Liban pa sa nurses, ayon sa DOH nagkukulang din ng 67,000 physicians; 6,000 pharmacists; 5,500 radiologic technologists; 4,400 medical technologists; 1,600 nutritionists; 700 midwives; 223 physical therapists; at 87 dentists.
Kaugnay nito, umapelang muli ang mga health worker para sa karagdagang sahod upang maibsan ang mataas na cost of living.
Home Nation
Pribadong mga ospital, ramdam ang impact ng kakulangan sa healthcare workers
-- Advertisements --