Reading Time: 1 minute

BAGUIO CITY – Tumaas ang presyo ng mga strawberries sa tanyag na Strawberry Farm sa La Trinidad, Benguet.

Ayon sa isang magsasaka na nakapanayam ng Bombo Radyo-Baguio, tumaas ang presyo dahil sa nagpapatuloy na pag-ulan sa lokalidad.

Aniya, apektado din ang tourist arrival dahil iilan lamang ang mga bisitang namamasyal ngayon sa Strawberry Farm.

Dahil dito, inihayag niya ang kanilang pagkadismaya sa nangyayari.

Sa ngayon ay mabibili sa P400 hanggang P600 ang presyo ng bawat kilo ng strawberries mula sa dating P250 sa bawat kilo.

Kilala ang Strawberry Farm bilang isa sa mga pangunahing destinasiyon ng mga turistang namamasyal sa Benguet lalo na ang mga nanggaling sa lowlands.