Nakitaan na ng pagtaas ang presyo ng school supplies sa ilang lugar sa Metro Manila, ilang linggo bago ang pagsisimula ng klase o face to face classes.
Batay sa monitoring sa Divisoria, Maynila, pumapalo na sa P150 ang spiral notebook mula sa dating P120, habang ang notebook na nakatahi naman ay umakyat sa P140, mula sa dating P130.
Nasa P85 naman na ang presyo ng isang box ng lapis mula sa P75, habang tumaas sa P75 ang presyo ng crayons, mula sa P65.
Naglalaro na rin sa P75 hanggang P85, ang presyo ng pencil case mula sa dating P50.
Ang presyo naman ng bondpaper ay pumalo na sa P160 hanggang P170 kada isang ream, mula sa dating P145 lamang, habang wala namang naging pagtaas sa presyo ng school bags.
Matatandaang nauna nang sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual na nais ng DTI na magpatupad ng panibagong suggested retail price para sa mga school supplies.
Aminado naman ang DTI na hindi nila lubos na marendahan ang presyo ng nasabing mga produkto dahil hindi ito maituturing na basic goods.